Monday, November 3, 2014

Self-esteem, may worth ka pa ba?

Para sa akin (tama,opinyon ko ito!), hindi mo dapat ibina-bargain ang iyong self-regard. Dahil kung lagi at paulit ulit mong gagawin baka sa bandang huli pati ikaw, sariling worth mo, maconfuse ka na din. Hayaan mo namang maranasan ang mapahalagahan. Yung mayroon mag-iiba ng direksyon o patutunguhan para sa iyo. Aba, bakit mo hahayaang maramdaman o may magparamdam sayo na napakaliit mo? Na ikaw ang laging kailangang mag-adjust?  Samantalang yung mismong Manlilikha mo, kasingtaas mo o mas mataas pa nga ang pagtingin sa 'yo. Minamahal at pinahahalagahan ka ng buong buo. Ngayon, anong karapatan nang ibang taong iparamdam sayo na wala kang halaga? Wala. Walang wala! Tandaan mo, ikaw dapat ang kauna-unahang magtaas ng worth mo. Sigurado ako, 'yan ang magiging basehan ng mga taong gustong pumasok sa buhay mo.

Muli, never compromise your self-worth.