Tuesday, April 17, 2018

Just when I thought I would write the sweetest poems for you... because of you...

Nagsimula sa matatamis na salita,
Pinakitang lahat ng ito ay tama.
Sa kabila ng pagtataka,
'Di pa rin napigilang maniwala.

Nagtiwala sa sinabi,
Hindi ko alam paano nangyari,
Sa kabila nang iniwasang pagtangi,
Ako pa rin ay iyong nahuli.

Ang sinabi mo'y masaya ka,
Batid kong pareho tayo ng nadarama.
Pinagbigyan at nagtiwala,
Inakalang ito ay iba na.

Ngunit ako pa rin pala ay iiwan,
Ako pa rin pala'y bibigyan ng tanong sa isipan.
Ako pa rin pala ang mangangapa.
Ako pa rin pala ay muling luluha.