Friday, August 16, 2013

Nang minsang lumabas ang kacornyhan...

Sa aking future hubby,

Nais ko sanang malaman mong mahal kita at yan ay totoo, malamang sa malamang hindi kita pakakasalan kung hindi -I’ll choose love over practicality, oo mahal/babe/honey/MOO/YO/daddy, hopeless romantic ang iyong maybahay. Pipilitin kong ang bawat araw na kasama mo ko ay siya ring mga pinakamasasayang araw ng buhay mo. Pagsisilbihan kita, ipagluluto at patuloy na aalagaan. Palagay ko kikiligin ako araw-araw. Wag ka sanang matakot sakin kung mahuli mo akong nakangiti habang nakatitig sayo, palagay ko hindi lang talaga ko makapaniwala na ang tulad mo ang katuwang ko, alam kong pambihira ang iyong mga katangian.
Haharapin natin ang lahat ng magkasama at asahan mong sa bawat bagay na gusto mong gawin ako ay iyong kasama. Magjogging, magpagupit, manood ng basketball o kahit na action movies pa yan. Huwag sana natin gawing dahilan ang pagiging mag-asawa upang paghigpitan ang bawat isa sa mga bagay na gusto natin gawin. Nung naging mag-asawa tayo hindi dun tinanggal ang karapatan na gawin natin ang mga bagay na magpapasaya at magpapaunlad sa ating sarili, ayaw ko rin namang isipin mong hawak ko na ang buhay mo. Pero syempre alam kong hindi mawawala  ang maraming tampuhan at di pagkakaunawaan, sana lagi mong isipin na hindi solusyon ang hiwalayan. Maaayos din ang lahat, pag-uusapan natin yan. Pero may dapat kang tandaaan, tahimik lang ako pag may sama ng loob o medyo nagtatampo, hayaan mo lang ako, wag mo kong piliting magsalita. Tabihan mo lang ako at maya maya ayos na ko, masasabi ko rin ang dahilan ng pagkakaganito ko. Marami rin tayong madidiskubre na maaari nating ikagulat. Isa na dyan ang oily kong mukha tuwing umaga. Ang pagkahilig ko kay Tinkerbell at sa mga fairytales. Alam ko sa pagkakataong ito hindi na lingid sayo ang matagal kong pagtingin sa salamin. Hindi ko alam kung kaya kong umutot sa harap mo, dumighay siguro pwede pa? Hindi ko naman alam kung naghihilik ba ko, pero sigurado akong hindi ako malikot matulog-yakapin mo na lang ako para mas sigurado.;) Ilan yan sa mga kelangan nating tanggapin ng maluwat.
Hindi ko alam kung kaya kong panatiliing laging nakapustura pero sana sa panahong BMW(Bilbil Mo Walo) na ko, [hindi naman siguro ko mag-aamoy lupa] at marami ng hindi kaiga-igayang linya sa mukha, nawa’y maalala mong minsan akong naging pinakamaganda sa paningin mo. Sana wag mo ipagpilitang ipabelo ako, sayang ang pera. HAHA Ayos lang sakin na humanga ka sa iba basta sa puso mo dapat ako lang ay nag-iisa.
Sana’y wag mong kakalimutan na iba ang samahan pag napapanatili ang pagiging magkaibigan gayon din ang pagiging bukas sa lahat ng bagay. Sabay nating gagawin ang mga gawaing bahay, mas masaya kasi kung ganun. Sana kahit anong mangyari kaming pamilya mo ang uunahin mo. Alam ko namang magiging mabuti tayong magulang at gagawin natin ang lahat maging maganda lang ang kinabukasan ng ating magiging anak. 
           Hiling ko lang, ayain mo pa rin sana kong lumabas paminsan-minsan, masarap rin kasi sa pakiramdam yung para pa rin tayong nagliligawan sa kabila ng pagkakaroon natin ng dalawa o tatlong anak. Hayaan mong masuka sa sweetness natin ang iba. Wag mo rin kakalimutan na kahit kelan hindi mawawalan ng epekto sa babae ang pampakilig na sulat, rosas at tsokolate. Pero minsan lang naman yang mga yan, ayoko namang magdemand sayo dahil makasama lang kita at maging masaya tayo, kontento na ko.
          Syempre ang pinakamahalaga, magsisimba tayo palagi. Palalakihin natin ang mga anak natin na may takot sa Diyos. Sa bawat desisyon at mga alituntunin sa bahay kelangan nakaayon sa kagustuhan ng Maykapal. Wag nating kakalimutan na habang mas napapalapit tayo sa Kanya, gayon din ang nangyayari sa atin.
          Ngayon pa lang sinasabi ko na, inintindihin kita, susuportahan, mamahalin at aalagaan ng paulit-ulit. Magkasama tayong lalago sa ating buhay ispirituwal, buhay mag-asawa pati na rin indibidwal. Bubuo tayo ng isang masayang pamilya. Hindi mo pagsisihang ako ang pinili mo. J
                                                                        
Kinikilig na wifey mo,
JOYCE LAUREN

No comments:

Post a Comment